Sunday, May 5, 2024

Panukalang ‘Public School Teachers Special Loan Window Act’ isinusulong

- Advertisement -

Isinusulong ng bagong kongresista sa Quezon City ang panukalang pagpapautang ng mga bangkong pag aari ng gobyerno na may mababang interes sa mga public school teachers.

Nakasaad sa House Bill 1015 o Public School Teachers Special Loan Window Act na inihain ni QC Second District Congresswoman Precious Hipolito ang pagpapautang sa mga bonafide public school teacher na may mababang interes sa ilalim ng special loan window sa mga government owned bank.

Nilinaw sa panukala na ang nasabing pagpapautang ay bukod pa sa anumang emergency loans para sa public school teachers na karaniwang may mataas na interes.

Binigyang diin ni Hipolito na tulad ng iba pang marangal na propesyon, kailangan na ang isang guro ay magsilbing role model na matutupad sa pagkakaroon ng disenteng buhay at maiwasan ang pag utang sa anumang financial resources mula sa loan sharks.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img