Panukalang naglalayong buwagin ang Road Board inaasahang mabilis na maipapasa

0
58

Inaasahang mabilis nang maipapasa ang panukalang batas na naglalayong buwagin ang Road Board.

Ito ay matapos na i-adopt ng Senado ang bersyon ng Kamara ng House Bill 7436 na nagsusulong na i-abolish ang board at ilipat ang trabaho nito at hati- hatiin ang pondo nito sa DPWH, DOTR at DENR.

Ayon kay Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri, posibleng sa susunod na linggo o sa unang linggo ng Pebrero maisusumite na sa Malakanyang ang naturang panukalang batas para lagdaan ng pangulo.