Panukalang maresolba ang House Speakership issue pinagbigyan ng Kamara

0
54

Nagkasundo ang Party-list bloc sa Kamara na bigyan ng tiyansa ang panukala ng Hugpong ng Pagbabago party na maresolba ang isyu sa House Speakership.

Ayon kay 1- Sagip Partylist Rep. Rodante Marcoleta, magpupulong ang party-list coalition upang talakayin ang usapin para kapakanan ng kongreso at bansa.

Inindorso ng Hugpong si Davao Rep. Isidro Ungab habang nagpahayag din si Davao City Rep. Paolo Duterte ng pagnanais na tumakbong house speaker na lalo lang nagpagulo sa usapin.

Bago ito ay maugong na pangalan sa pagka-house speaker sina Taguig City Rep. Alan Peter Cayetano at Marinduque Rep. Lord Allan Velaco habang isinusulong ng Party-list bloc si Bayan Muna party-list Carlos Zarate.

Kaugnay nito, nangako ang mga party-list group na magiging isa ang kanilang boto sa susunod na magiging house speaker.