Panukalang magtatatag ng ‘Department of Water’ ibinasura

0
55

Ibinasura ng Malakaniyang ang panukala ni NEDA Director General Ernesto Pernia na magtatag ng Department of Water na tututok sa lahat ng ahensya ng gobyerno at mga pribadong kumpanya na nangangasiwa sa supply ng tubig.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na hindi na kailangan ang nasabing departamento lalo na’t nareresolba naman na simula nitong weekend ang problema sa supply ng tubig.

Ayon pa kay Panelo, simple lamang ang naging problema na ginawa mismo ng Manila Water na sila rin aniya ang lumutas.

Ang nangyaring kakulangan sa supply ng tubig aniya ay dahil sa inefficiency at mismanagement ng Manila Water Company.