Sunday, May 5, 2024

Malakanyang tiniyak na hindi makakapasok sa bansa ang mga taga ICC

- Advertisement -

Tiniyak ng Malakaniyang na hindi makakapasok sa bansa ang mga taga ICC o International Criminal Court na nais mag imbestiga sa isyu ng extra judicial killings at human rights abuses na iniuugnay sa Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, malinaw na pakikialam sa soberanya ng Pilipinas ang ginagawa ng ICC dahil mayroon namang legal process sa bansa.

Maayos din naman aniyang ginagampanan ng mga korte ang kanilang trabaho sa mga kaso nang pagpatay at paglabag sa karapatang pantao.

Nagbanta si Panelo na ipapa deport ang sinumang taga ICC na magpupumilit pumasok sa bansa at mag imbestiga kaya’t dapat na matulog na lamang ang mga ito kaysa aksayahin ang panahon sa mga alegasyon ng EJK.

Gayunman, sinabi ni Panelo na kung papasok ang mga taga ICC bilang turista, malugod naman silang tatanggapin ng Pilipinas.

Binigyang diin naman ni Justice Secretary Menardo Guevarra na tuluy tuloy ang trabaho ng mga korte, miyembro man o hindi ng ICC ang Pilipinas.


Naniniwala si Senate President Vicente Tito Sotto III na walang magiging epekto sa Pilipinas ang pagkalas sa ICC o International Criminal Court.

Sinabi ni Sotto na nakakagulo lamang ang panghihimasok ng ICC sa ilang polisiya ng bansa.

Ayon kay Sotto, lumobo ang bilang ng mga napatay sa anti drug operations sa datos ng ICC dahil isinama maging ang mga kaso ng pagpatay na walang kinalaman sa war on drugs.

Binigyang diin pa ni Sotto na dahil hindi na kinikilala ng Pilipinas ang ICC, wala na rin itong kapangyarihang dinggin ang anumang reklamo laban sa Pangulong Rodrigo Duterte na idinulog sa kanila.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img