33.3 C
Manila
Friday, April 26, 2024

Panukalang Driver’s Re-Education Program isinusulong sa Kamara

- Advertisement -

Nangako si Iloilo 3rd District Congressman Lorenz Defensor na ire-renew nito ang kaniyang drivers license na napaso nito lamang Hulyo 24 at unang sasalang sa mandato ng panukalang Driver’s Re-Education program.

Layon ng nasabing panukala na i-require ang lahat ng may hawak ng drivers license na inisyu ng Land Transportation Office (LTO) na sumailalm sa one-day mandatory Driver’s Re- Education program isang beses kada limang taon.

Isang certificate of attendance o participation ang ii-isyu kalakip ng pangalan ng driver sa database ng LTO.

Hindi naman mai-po-proseso ang renewal ng lisensya na hindi maku-kumpleto ang required hours ng programa.

Naniniwala si Defensor na mababawasan nito ang mga traffic violation lalo na ang bilang ng road traffic death dahil mabusising sasailalim ang mga driver ng mga pampublikong sasakyan sa basic traffic rules and safety regulations.

Sisikapin naman ni Defensor na maging libre ang gagastusin sa re-education program o magkaruon lamang ng minimal charge tulad ng administrative expenses.

Sa sandaling maging ganap itong batas, ang mga government official at employees na may hawak ng driver’s license ang unang sasailalim sa nasabing programa.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -