33 C
Manila
Saturday, April 20, 2024

Panukalang batas na mapalakas ang pagreresponde ng LGU sa panahon ng kalamidad isinusulong

- Advertisement -

Isinusulong ni Senador Francis Tolentino ang panukalang batas na naglalayong palakasin ang mga paghahanda at pagresponde ng mga Local Government Units (LGU) sa panahon ng kalamidad.

Ito ay sa gitna na rin ng patuloy na pag-aalburuto ng Bulkang Taal.

Nakasaad sa senate bill number 1272 o disaster risk reduction and management framework act ni Tolentino ang pagsasagawa ng inter disaster drills.

Layunin aniya nitong makabuo ng inter-local government unit response mechanism kung saan kasama ang paghahanap at pagtayo ng permanenteng evacuation center, safe refuge zone, evacuation routes at assembly points.

Nakapaloob din dito ang pagbibigay ng evacuation transport at accommodation para sa tao at mga alagang hayop na apektado ng kalamidad.

Iginiit ni Tolentino, kinakailangang fully equipped at hindi lamang sumailalim sa training kundi may ipatutupad ring komprehensibong plano ang mga LGU’s bilang first responder sa lahat ng klase ng kalamidad. — ulat mula kay Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -