Panukalang 2020 national budget nakatakdang lagdaan — Sotto

0
27

Nakatakdang maisabatas na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang 2020 national budget sa January 6.

Ito ang tiniyak ni Senate President Tito Sotto sa harap ng pagsisimula ng 2020 kung saan ginagamit ay reenacted budget.

Ipinabatid din ni Sotto na wala naman malaking epekto ang limang araw na pagkaantala ng paglagda ng Pangulo sa national budget.