Panukalang 14th month pay sa private sector muling binuhay sa Senado

0
48

Muling binuhay ni Senador Tito Sotto III ang kaniyang isinusulong na panukalang batas kaugnay sa pagkakaloob ng 14th month pay sa mga empleyado sa pribadong sektor.

Batay sa Senate Bill 2, inaatasan ang mga private employers na bigyan ang kanilang rank and file workers ng 14th month pay na katumbas ng kanilang isang buwang sahod.

Ito ay bukod pa sa ipagkakaloob na 13th month pay ng mga employers.

Nakasaad sa panukala na dapat ibigay tuwing June 14 ang 13th month pay habang tuwing December 24 naman dapat ipagkaloob ang 14th month pay.

Ayon kay Sotto, ang huling sampung pisong (P10) dagdag sa sahod ng mga manggagawa ay hindi sapat dahil sa patuloy na pagtaas ngayon ng presyo ng mga bilihin.

—-