28.7 C
Manila
Monday, April 22, 2024

Panibagong SRP sa basic at prime commodities ilalabas ng DTI

- Advertisement -

Nakatakdang ilabas ng Department of Trade and Industry (DTI) ngayong linggo ang panibagong suggested retail prices (SRPs) ng basic at prime commodities.

Ito’y makaraang tumaas ang presyo ng ilang brand ng sardinas habang bumaba ang presyo ng tinapay.

Ayon kay Trade Secretary Ramon Lopez, siyam na brand ng sardinas ang nagdagdag ng kwarenta hanggang otsenta’y singko sentimos sa bawat lata ng kanilang produkto.

Kabilang sa nagpatupad ng price increase ang 555, Ligo, Mega at Family Sardines dahil sa taas ng presyo ng tamban na ngayo’y nasa 32 pesos kada kilo.

Nagtapyas naman ng presyo ang Gardenia sa kanilang loaf bread at magpapatupad din ng bawas sa pandesal na 36 pesos mula sa kasalukuyang 37 pesos kada pack habang nakatakda ring sumunod ang ilan pang brand tulad ng Marby at John Pullman.

—-

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -