Wednesday, May 1, 2024

Panibagong listahan ng mga priority projects sa ilalim ng “Build Build Build” program inilatag

- Advertisement -

Naglatag ng panibagong listahan ng mga priority projects ang pamahalaan sa ilalim ng”Build Build Build” Program.

Ayon kay Vince Dizon, Presidential Adviser for flagship programs and projects, nais nilang unahin ang mga proyekto na mas kailangan ng buong bansa.

Sa bagong listahan, sinabi ni Dizon na 35 dito ang on going na ang construction, 32 ang sisimulan na sa susunod na anim hanggang walong buwan, 21 ang nangangailangan pa ng government approval at 12 ang dumaraan pa lamang sa feasibility studies.

Sinabi ni Dizon na inaaasahan nilang matatapos ang 38 sa mga proyekto sa 2022 o bago matapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte, 22 ang partially operational at 40 ang ipapasa na sa susunod na administrasyon.

Binigyang diin ni Dizon na hindi naman ipinangako ng “Build Build Build” na matatapos ang lahat ng proyekto sa loob ng anim na taong termino ng pangulo pero nangako silang sisimulan nila ang pagbuo ng malalaking infrastructure projects.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img