Panibagong listahan ng mga bawal dalhin sa eroplano inilabas ng OTS

0
91

Naglabas ng panibagong listahan ang Office for Transportation Security hinggil sa mga bagay na bawal i-hand carry sa eroplano.

Kabilang sa mga bawal na dalhin sa loob ng eroplano ay nail cutter at iba pang gamit sa pagma-manicure at pedicure.

Gayundin ang mga carpentry tool, ilang sports equipment gaya ng bola ng billiard at bowling.

Dapat na ring i-check in ang skateboard.

Papayagan naman ang pagdadala ng power bank at battery na gawa sa lithium ngunit may mga alintuntunin na kailangan sundin mula sa airline company.

Habang kasama pa rin sa ipinagbabawal na i-hand carry sa eroplano ang lahat ng matutulis at matatalim na metal, chemical at flammable materials.