Wednesday, May 1, 2024

Panibagong dagdag sa presyo ng produktong petrolyo inilarga na ng mga oil companies

- Advertisement -

Inilarga na ng mga kumpanya ng langis ang panibagong taas presyo sa kanilang mga produktong petrolyo ngayong araw.

Batay sa abiso ng mga kumpanya ng langis, epektibo ala 6:00 ngayong umaga, 55 centavos kada litro ang magiging dagdag sa presyo ng diesel habang 30 centavos naman sa kada litro ng gasolina.

Kabilang sa mga magpapatupad ng taas presyo ang mga kumpanyang Petron, Shell, Caltex, PTT, Petro Gazz, Phoenix Petroleum, Total, Eastern Petroleum, Seaoil, Celan Fuel at Flying V.

Samantala, magpapatupad din ng 45 centavos kada litro na taas presyo sa kerosene ang Shell, Petron, Seaoil at Caltex.

Ang panibagong taas presyo sa mga produktong petrolyo ay bunsod pa rin ng paggalaw ng imported na langis sa world market.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img