32.4 C
Manila
Tuesday, April 23, 2024

Panibagong dagdag presyo sa gasoline ilalarga bukas

- Advertisement -

Ilalarga na naman ang panibagong dagdag presyo sa gasolina habang magkakaroon naman ng tapyas presyo sa diesel at kerosene, bukas.

Ayon sa abiso ng Pilipinas Shell Petroleum Corporation, .10 ang kanilang idadagdag sa kada litro ng kanilang gasoline, habang .10 naman ang bawas sa kada litro ng kanilang diesel at .35 na bawas naman sa kada litro ng kanilang kerosene.

Magpapatupad naman ng kaparehong presyo ang kompanyang Eastern Petroleum Corporation at Petro Gazz maliban sa kerosene.

Epektibo ang naturang dagdag at tapyas presyo  ala sais ng umaga bukas.

Samantala, wala pang anunsyo ang iba pang kompanya ng langis bagama’t inaasahang susunod rin sa naturang dagdag at tapyas presyo.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -