Panibagong dagdag presyo sa gasolina nakaamba

0
40

Asahan na ang panibagong dagdag presyo sa gasolina ngayong linggo.

Kabilang sa mga magpapatupad ng dagdag nobenta sentimos (P0.90) sa kada litro ng gasolina ang Petro Gazz at Shell, epektibo alas-6:00 bukas ng umaga habang walang paggalaw sa presyo ng diesel at kerosene.

Ito na ang ika-limang sunod na linggong nagpatupad ng price adjustment ang mga kumpanya ng langis.

Simula Enero ay aabot na sa halos anim na piso (P6.00) ang itinaas ng presyo ng diesel, mahigit limang piso (P5.00) sa gasolina habang mahigit apat piso (P4.00) sa kerosene.

—-