Pangulong Rodrigo Duterte dumating na sa Israel

0
48

Dumating na sa Israel si Pangulong Rodrigo Duterte para sa kanyang apat na araw na official visit.

Dakong ala-1:30 kaninang madaling araw, oras sa Pilipinas nang dumating si Pangulong Duterte sa Ben Gurion International airport sa Tel Aviv.

Sinalubong ang Pangulo nina Philippine Ambassador to Israel Nathaniel Imperial at Israeli Ambassador to the Philippines Rafael Harpaz.

Bukod kay Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu, makikipagkita rin si Duterte sa Filipino community at sasaksihan ang paglagda sa ilang kasunduan sa larangan ng labor, science at investment sa pagitan ng dalawang bansa.

Nakatakda ring bisitahin ni Pangulong Duterte ang open doors monument sa bayan ng Rishon Lezion na isang pagkilala sa open door policy ni dating Pangulong Manuel Quezon na tumanggap at bigyan ng pansamantalang matitirhan ang mga hudyong tumakas mula sa holocaust sa Europa.


Kilos protesta sa Israel

Isang kilos protesta ang planong ilunsad laban kay Pangulong Rodrigo Duterte sa Israel.

Planong ilunsad ang nasabing demonstrasyon ng opposition member ng Knesset o Israeli Congress.

Ayon kay Knesset Foreign Affairs and Defense Committee Chairman Avi Dichter, hindi katanggap-tanggap ang pagbisita sa kanilang bansa ni Duterte dahil sa mga negatibo nitong komento sa ilang diplomatic issue.

Hiniling din aniya nila kay Israeli President Reuven Rivlin na kanselahin na ang pulong kay Pangulong Duterte.

Ang official visit ng Punong Ehekutibo sa Israel ang kanyang ika-28 international trip simula nang maupo sa Malacañang, noong Hunyo 30 taong 2016.

—-