27.9 C
Manila
Sunday, April 14, 2024

Pangulong Duterte walang panukalang batas na lalagdaan na magpapabuwag sa Road Board — Andaya

- Advertisement -

Binigyang diin ni House Majority Leader Rolando Andaya Jr., na walang panukalang batas na lalagdaan si Pangulong Rodrigo Duterte na magpapabuwag sa Road Board.

Ito’y matapos ipadala ng liderato ng Senado sa Malacañang ang House Bill 7436 o ang panukalang batas nabubuwag sa Road Board.

Ayon kay Andaya, hindi pirmado ni House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo ang enrolled bill na isinumite ng Senado kay Pangulong Duterte.

Ito aniya ay nangangahulugan na ang pinadalang kopya kay Pangulong Duterte ay bersyon lamang ng Senado, dahil una nang binawi ng kamara ang inaprubahang House Bill 7436.

Una namang sinabi ni Department of Budget and Management (DBM) Sec. Benjamin Diokno na ang pagpigil niya sa paglabas ng pondo para sa Road Board ang dahilan ng sigalot nila ng liderato ng Kamara.

Magugunitang, inakusahan ni Andaya si Diokno nang pagbibigay ng ilang bilyong pisong proyekto sa ilalim ng 2019 national budget sa isang construction firm, kung saan mariin naman itong itinanggi ng kalihim.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -