Pangulong Duterte tiwala pa rin kay PhilHealth President Ricardo Morales

0
16

Wala pang plano ang Pangulong Rodrigo Duterte na sibakin si PhilHealth President at CEO Ricardo Morales.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, sinabi sa kanya ni Senador Bong Go na patuloy na pinagkakatiwalaan ng Pangulo si Morales.

Sinabi ni Roque na nakahanda naman ang Pangulo na sibakin si Morales kung mayroong matibay na ebidensyang maipiprisinta laban sa kanya.

Kumbinsido si Roque na agad aaksyon ang Pangulo sa sandaling madokument na ng Senado at Kamara ang mga ebidensya ng katiwalian sa PhilHealth.

Matatandaan na nabunyag na umaabot sa P15 bilyong pondo ng PhilHealth ang napuna lamang sa katiwalian.