Tuesday, May 7, 2024

Pangulong Duterte tiwala pa rin kay Duque — Roque

- Advertisement -

Nanatili pa rin ang kumpinsya ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Health Secretary Francisco Duque III sa kabila ng pagkakasangkot ng pangalan nito sa ‘di umano’y katiwalian sa PhilHealth.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, malamang ay wala na ngayon sa kanyang tanggapan si Duque kung may pag-aalinlangan sa kanya ang Pangulo.

Binigyang diin ni Roque, nagsisilbi ang lahat ng miyembro ng gabinete sa ilalim ng tiwala ng Pangulo.

Karapatan din aniya ng lahat ang mabigyan ng pagkakataon sa due process.

Una nang ipinag utos ni Pangulong Rodrigo Duterete ang pagbuo ng task force para tumutok sa kasong alegasyon ng katiwalian sa PhilHealth.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img