Pangulong Duterte suko na sa pakikipag-usap sa mga rebeldeng komunista

0
72

Suko na si Pangulong Rodrigo Duterte sa peace talks ng gobyerno at NDF-CPP-NPA.

Sa kanyang talumpati  sa turn-over ng AFP-PNP Housing Project sa San Miguel, Bulacan, inihayag ni Pangulong Duterte na naubos  na ang kanyang pasensya sa mga communist leader sa pangunguna ni CPP founding chairman Jose Maria Sison.

“This fight cannot be won by war along. Matagal na ito estudyante pa ako…52 years ago, my God it’s still there. Sayang lang ang opportunity na ito si Sison na buang…buang kung hindi sana suplado yan eh pareho kami suplado tapos ako pa tarayan niya.” Pahayag ni Duterte.

Ayon sa punong ehekutibo, walang mangyayaring usapang pangkapayapaan kung ipipilit ng mga rebelde ang kanilang gusto.

Dahil dito, ipauubaya na lamang aniya ng kasalukuyang gobyerno sa susunod na administrasyon kung itutuloy ang peace talks.