31.1 C
Manila
Saturday, April 13, 2024

Pangulong Duterte siniguro na walang magaganap na kurapsyon sakaling maglagak ng puhunan sa bansa

- Advertisement -

Ipinangako ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga negosyante sa bansang Jordan na hindi sila mahihirapan sakaling maglagak sila ng negosyo sa Pilipinas.

Sa ginanap na intercontinental forum sa Amman, Jordan, siniguro ng pangulo sa mga dayuhang mamumuhunan na wala silang mararanasang kurapsyon at katiwalian habang siya ang nakaupong pangulo ng bansa.

Muli namang hinimok ng chief executive ang mga dayuhang mamumuhunan na agad ipaalam sa kanya sakaling may ma-encounter silang anumalya o katiwalian.

Dagdag ng pangulo, mapayapang bansa ang Pilipinas at napakarami rin aniyang lugar dito ang maaring mapagtayuan ng negosyo.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -