Saturday, May 4, 2024

Pangulong Duterte pwedeng maging ‘pangulo for life’ pag maresolba ang traffic sa EDSA — Lacson

- Advertisement -

Umani ng iba’t ibang reaksiyon ang naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na aabutin na lamang ng limang minuto ang byahe mula Cubao patungong Makati sa Disyembre.

Ayon kay Senador Panfilo Lacson, maari nang maging pangulo ng bansa habang buhay si Pangulong Duterte kung magagawa nito ang kanyang sinabi na limang minuto travel time sa EDSA dagdag pa ang tatanggalin niya ang delayed flights sa NAIA.

Ngunit kung mabibigo naman aniya ang pangulo na matupad ito ay dapat din itong papanagutin.

Pabor naman sa naging pahayag ng pangulo si Senate President Tito Sotto.

Aniya, napakaganda ng sinabi ng pangulo ngunit hindi niya alam paano ito gagawin ng punong ehekutibo.

Sinabi naman ng Malakanyang na mayroon nang plano ang pangulo bago pa man niya sinabi ito kaya marapat na hintayin na lamang ang kanyang magiging aksyon.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img