Pangulong Duterte posibleng bumisita sa mga lugar na naapektuhan ng M6.6 na lindol sa Mindanao

0
12

Posibleng bumisita si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga lugar na matinding naapektuhan ng pagtama ng magnitude 6 point 6 na lindol sa Mindanao, kahapon.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, pinatututukan na ni Pangulong Duterte sa mga kinauukulang ahensiya ng pamahalaan ang pagbibigay ayuda sa mga biktima at naapektuhan ng lindol.

Aniya, labis na nag-aalala ang pangulo sa kalagayan ng mga naapektuhan ng ikalawang malakas na lindol na tumama sa Mindanao ngayong buwan.

Kaugnay nito, tiniyak ni Panelo na kumikilos ang iba’t ibang tanggapan ng pamahalaan para maipaabot ang tulong sa lahat. — ulat mula kay Jopel Pelenio (Patrol 17)