31.8 C
Manila
Friday, April 12, 2024

Pangulong Duterte negatibo na ang pananaw sa mining — Roque

- Advertisement -

Masama at hindi na maganda ang pananaw ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mining.

Ayon kay Presidential Spokesperson Sec. Harry Roque, lalong tumitindi ngayon ang galit ni Pangulong Duterte sa mga quarry operation sa bansa matapos ang serye ng mga landslide na ang pinakahuli ay ang nangyari sa Naga City, Cebu.

Hindi pa man aniya nakakahinga sa nangyaring pagguho ng lupa sa Itogon, Benguet, may panibago na namang landslide incident sa Cebu, kamakailan.

Dahil dito, lalo aniyang tumindi ang paniniwala ng pangulo na hindi nakabubuti sa bayan ang pagmimina.

Pahayag ng palace spokesman, sunod-sunod na ang hindi magagandang pangyayaring may kinalaman sa pagmimina tulad ng quarrying na nagdulot na ngayon ng malagim na trahedya.

Kalunos-lunos aniya ang nangyaring insidente sa Naga, Cebu gayung hindi naman ito direktang tinamaan ng nagdaang Bagyong Ompong ngunit nakaranas pa rin ng landslide.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -