Pangulong Duterte naghahanap na ng papalit kay Morales —Duque

0
11

Posibleng i-anunsyo na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang bagong itatalagang pinuno ng PhilHealth ngayong linggo.

Ito ang kinumpirma ni Health Secretary Francisco Duque III kasunod ng pahayag nito na naghahanap na si Pangulong Duterte ng papalit kay resigned PhilHealth President at CEO Ricardo Morales.

Ayon kay Duque, ang hinahanap ng pangulo ay isang bihasa sa finance at accounting.

Aniya, mahalaga rin na mayroon itong background sa legal.

Samantala, nilinaw naman ni Duque na kinakailangan pa ring lumahok ni Morales at ni dating PhilHealth Senior Vice President for Legal Sector Rodolfo Del Rosario Jr. sa mga imbestigasyon sa kabila ng pagbibitiw ng mga ito sa pwesto.