Pangulong Duterte nagbigay ng mensahe para sa Linggo ng Pagkabuhay

0
30

Hinimok ni Pangulong Rodrigo Duterte ang lahat ng mga Filipino na maging positibo para sa isang mas mabuti at bagong panimula sa gitna ng pakikipaglaban ng bansa sa banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ito ang naging sentro ng mensahe ng Pangulo ngayong Linggo ng Pagkabuhay.

Ayon kay Pangulong Duterte, ang tagumpay ng muling pagkabuhay ni Kristo ay nagpapakita ng pag-asa at katiyakan sa kabila ng kinahaharap na kahirapan ng lahat.

Sa kasalukuyang panahon aniya ng pagpapanibago, nawa ay mapaalalahanan ang lahat ng biyaya hatid ng walang pag-iimbot na pagmamahal na maabot ang magkakaibang kultura, paniniwala, pinagmulan at sitwasyon.

Hiling din ni Pangulong Duterte na mapuno ng kagalakan ang lahat, gayundin ang makahanap ng kapanatagan at lakas mulas sa kuwento ng muling pagkabuhay ni Hesukristo.

Tiwala din ang Pangulo na magsisilbing inspirasyon ang mensahe ng pagpapatawad na hatid ng okasyon para mamuhay ang lahat ng may buong pasasalamat at kababaang loob, pagpapakita ng kabutihan at pagkakawanggawa sa kapwa.