Aminado si Pangulong Rodrigo Duterte na tali ang kanyang kamay para wakasan ang “Endo” o kontraktwalisasyon sa bansa.
Sa kanyang State of the Nation Address, sinabi ng pangulo na hindi siya kuntento sa ipinasang Executive Order 51 na naglalayong tiyakin na hindi basta – basta matatanggal sa trabaho ang mga manggagawa.
Kasunod nito, muling nanawagan si Pangulong Duterte sa kongreso na magpasa ng batas para wakasan ang kontraktwalisasyon
“I understand that this does not satisfy all sectors, I share their sentiments…Much as I would like to do the impossible, that power is not vested upon me by the constitution and neither will I make both ends with, even if I violate the law to achieve that purpose. Simply it is not part of my territory. That is why I add mine to their voices and asking congress to pass legislation ending the practice of contractualization, once and for all”.
Samantala inatasan ni Pangulong Duterte ang lahat ng mga ahensiya ng gobyerno na ipatupad ang batas laban sa red tape, partikular na ang mga tanggapang inaakusahan niya na mayroong “lousy and corrupt bureaucracy.”
Sinabi ng Pangulo na dapat ding gawing “customer – friendly” ng mga ahensya ng gobyerno ang kanilang serbisyo na madalas inirereklamo ng publiko.
“I particularly call the attention of the agencies with the number of red tape related reports on the public, making service truly customer friendly. Our people deserve efficient, effective and responsive government services. They deserve nothing less. Kayo lang ang ayaw eh. Gusto ng tao tapos kayo yung binabayaran, making your living from the pockets of the people and you have a lousy and corrupt bureaucracy”.
Muli ring binatikos ni Pangulong Duterte ang mga opisyal na nasasangkot sa kurapsyon.
Babala ng pangulo, hindi siya magdadalawang isip na tanggalin sa pwesto ang isang opisyal na sangkot sa kurapsyon kahit ito pa ay kanyang kaibigan.
“Corruption must stop. Corruption leads the government to ban programs for infrastructure and social development projects. I value friendship. Make no mistake about it but it has its limits. This is a lonely place I’am emptied in. Do not make it lonelier by forcing me to end our friendship because you gave me the reason to end it. It pains me to know end the loss of friendships and that is why I appeal to you to help me in my cost so that our friendship will endure.”