Pangulong Duterte muling nagsilbing Santa Claus sa mga cancer patient

0
47

Muling nagsilbing Santa Claus si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga cancer patient sa Southern Philippines Medical Center (SMPC) sa Davao City bilang bahagi ng kanyang taunang holiday ritual.

Tatlong oras namalagi si Pangulong Duterte sa SMPC upang mamahagi ng Christmas gift tulad ng mga laruan sa mga batang may cancer.

Namahagi rin ng pagkain at cash ang punong ehekutibo sa mga pasyente maging sa kani-kanilang pamilya.

Simula pa lamang noong alkalde ng Davao ay nakagawian na ni Pangulong Duterte na mamamahagi ng tulong sa mga cancer patient tuwing mag-pa-pasko.