Thursday, May 2, 2024

Pangulong Duterte mas pabor sa tri-party investigation sa Recto Bank incident

- Advertisement -

Inanunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte na nais niyang magsagawa ng imbestigasyon ang Pilipinas, China at isang neutral na bansa hinggil sa nangyaring Recto Bank collision.

Una nang tinanggap ng pangulo ang suhestyon ng China para sa isang joint investigation sa sinasabing “hit and run” incident sa pagitan ng Chinese at Philippine vessels.

Ngunit sinabi ng Malakanyang na maliban sa Pilipinas at China, gusto rin ni Pangulong Duterte na magkaroon din ng partisipasyon ang isang neutral third country sa ikakasang imbestigasyon.

Plano ng punong ehekutibo na bumuo ng joint investigating committee na binubuo ng tatlong grupo ng mga highly qualified at competent na mga personalidad.

Ayon kay Presidential Spokesperson Atty. Salvador Panelo, na magkakaroon ang Pilipinas at China ng tig-isang kinatawan at magsisilbi namang neutral ang ikatlong miyembrong bansa.

Unang iminungkahi ni Chinese Foreign Ministry Spokesperson Lu Kang na maglunsad ng joint marine inquiry upang malaman kung ano ang tunay na nangyari sa collision incident sa pinag-aagawang teritoryo.


Hindi na kailangan pa ng third-neutral party para sa imbestigasyon ukol sa Recto Bank incident — Panelo

Hindi na kailangan pa ng third-neutral party para mamagitan sa imbestigasyon ng Recto Bank incident.

Ito ang sinabi ni Presidential Spokesperson Atty. Salvador Panelo na kasama sa delegasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa 34th ASEAN Summit sa Thailand.

Ayon kay Panelo, kung magkakasundo naman ang Pilipinas at China sa magiging resulta ng joint inquiry, wala nang dahilan upang magkaroon pa ng third party.

Giit ni Panelo, mangangailangan lamang nito kung magkakaroon ng di pagkakaunawaan ang magkabilang partido.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img