30.2 C
Manila
Friday, April 19, 2024

Pangulong Duterte mananatili sa PDP-LABAN 

- Advertisement -

Mananatili si Pangulong Rodrigo Duterte bilang miyembro ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban).

Ito ang tiniyak ng Pangulo sa gitna ng mga lumulutang na ispekulasyon na lilipat na ito sa Hugpong ng Pagbabago (HNP) ang partidong itinatag ng kanyang anak na si Davao City mayor Sara Duterte-Carpio.

Sa pagdalo ng Pangulo sa HNP convention sa Davao City, sinabi nitong ayaw niya nang magpalit ng partido kaya’t mananatili ito sa PDP-Laban.

Matatandaang ang PDP-Laban ang nagdala kay Duterte sa kandidatura nito nuong 2016 presidential elections.

“I do not like to change parties so I will remain where I am.” Ani Duterte.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -