Pangulong Duterte mananatili lamang sa Davao City ngayong Labor Day

0
54

Mananatili lamang sa Davao City ang Pangulong Rodrigo Duterte ngayong Araw ng Paggawa.

Ito ang nabatid bagamat una nang inihayag ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na sa kaniyang pagkakaalam ay naka ‘oo’ na ang pangulo para dumalo sa groundbreaking ng P400-M State of the Art OFW Hospital sa Pampanga.

Kagabi lamang ay nagpalabas naman ng litrato ang partner ng pangulo na si Honeylet Avancenia na nagbabasa ito ng pahayagan.