IRR ng Expanded Maternity Leave Law nilagdaan na

0
53

Nilagdaan na ang Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Republic Act 11210 0 ang 105-day Expanded Maternity Leave Law.

Pinangunahan ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang paglagda sa IRR kasama ang mga kinatawan ng Civil Service Commission at Social Security System.

Mula sa dating 60 days, magiging 105 days na ang maternity leave at makakatanggap ng full pay ang mga nanay sa nasabing mga araw.

Nakapaloob din sa IRR ang option na magdagdag pa ng tatlumpung (30) araw bagamat leave without pay na ito habang para sa mga solo mothers ay may dagdag na 15-day leave.

Uubra ring ipagamit ang labinglimang (15) araw sa nasabing bilang  ng leave sa mga mister para humaba ang pagkakataong makasama ang bagong silang na sanggol dahil sa ilalim ng batas ay pitong (7) araw lamang ang paternity leave.