Pangulong Duterte mahigpit na tinututukan ang usapin sa 2019 proposed national budget

0
37

Mahigpit na tinututukan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang patuloy na bangayan ng Senado at Kamara sa 2019 proposed national budget.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, pinag-aaralan na ng pangulo ang mga isyu ng mambabatas sa pambansang pondo.

Kasabay nito, inamin rin naman ni Panelo na hindi na hihingin pa ng palasyo ang listahan ng mga “items” na kinakailangang i-veto.

Aniya, sapat na ang naging pahayag ni House Appropriations Committee Chairman Rolando Andaya Jr.

Una rito, matatandaang sinabi ni Andaya na tinapyasan ng mahigit 80 billion pesos ang ‘Build, Build, Build Program’ ng pamahalaan dahil sa umano’y mga re-alignment nito sa pondo.