Dalagitang pinatay at binalatan ang mukha sa Cebu kumpirmadong ginahasa

0
45

Kinumpirma ng forensic team ng PAO o Public Attorneys Office na ginahasa muna ang 16 anyos na dalagitang si Christine Lee Silawan bago ito pinatay.

Ayon kay Dr. Erwin Erfe, hepe ng PAO Forensic Team, nakitaan ng galos at hematoma ang pribadong parte ng katawan ni Silawan sa isinagawa nilang autopsy sa bangkay nito.

Aniya, lumabas rin sa nasabing autopsy na sinunog ang mukha ng biktima gamit ang sulfuric acid.

Taliwas naman ito sa naging pahayag ni Supt. Benjamin Lara, medico-legal officer ng PNP Crime Laboratory sa Central Visayas, kung saan pinabulaanan nito na gumamit ng asido ang suspect sa pagpatay.

Matatandaang, natagpuan si Silawan na wala nang buhay, tadtad ng saksak at binalatan pa ang mukha sa isang bakanteng lote sa Barangay Bankal sa Lapu-Lapu City noong Marso 11.