Ipatutupad na mga hakbangin kontra El Niño ilan sa mga natalakay sa cabinet meeting

0
46

Inilalatag na ng pamahalaan ang isang road map upang mapigilan ang posibleng matinding epekto ng El Niño phenomenon sa bansa.

Tinalakay ang nasabing hakbang sa isinagawang ika-36 na cabinet meeting sa Malacañang na pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, nakasaad sa road map ang short at long term solutions kabilang na ang pagpapaigting ng kampanya sa pagtitipid ng tubig at enerhiya.

Kabilang rin aniya dito ang paglikha ng Department of Water, Department of Disaster Resilience at ang paglalagay ng water tank system sa lahat ng pampublikong ospital.

Paliwanag pa ni Panelo, ang mga hakbang na ito ay upang matiyak na hindi na mararanasan pa ng publiko ang nangyaring kakapusan ng suplay ng tubig sa ilang bahagi ng Metro Manila noong nakaraang linggo.

(with report from Jopel Pelenio)