Pangulong Duterte hinikayat na mag endorso na ng kandidato sa pagka House speaker

0
45

Hinikayat ng ilang kongresista si Pangulong Rodrigo Duterte na mag endorso na ng kandidato sa paka House speaker.

Ayon kay Cong. Joey Salceda, importante para sa mga kongresista na ang House speaker ay alay ng pangulo dahil ang nakataya ay ang kanyang legislative agenda.

Nagbabala si Salceda na posibleng mabalam ang organisasyon ng mga komite sa Kamara kung walang ie endorsong kandidato sa pagka House speaker ang pangulo.