Pangulong Duterte hindi naitago ang galit sa sinapit ng dalagang ginahasa at pinatay sa Cebu

0
54

Hindi naitago ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kaniyang galit sa sinapit ng disi sais anyos na si Christine Silawan na ginahasa at pinatay sa Lapu-Lapu, Cebu.

Sa talumpati ng pangulo sa campaign rally ng PDP-Laban sa Ilagan City, Isabela, inihayag nito ang kaniyang nararamdamang galit sa gumawa ng karumaldumal na pagpatay kay silawan.

Hindi pa aniya nakuntento ang mga suspek sa panghahalay nito sa estudyante at nakuha pang balatan ang mukha nito at patayin.

Naniniwala rin umano ang pangulo na lulong sa ipinagbabawal na gamot ang mga gumawa nito sa biktima.