Pangulong Duterte hindi makikialam sa isyu ng term sharing sa House speakership

0
15

Hindi makikialam si Pangulong Rodrigo Duterte sa isyu ng term sharing sa speakership sa pagitan nina Congressmen Alan Peter Cayetano at Lord Allan Velasco.

Sinabi ng pangulo na bahala na sina Cayetano at Velasco kung paninindigan ang kanilang kasunduan.

Magugunitang inirekomenda ni Pangulong Duterte ang term sharing nina Cayetano at Velasco para maresolba ang agawan sa House speakership.