Pangulong Duterte bukas muli na ituloy ang peace talks sa mga rebeldeng grupo

0
59

Nakahanda muli si Pangulong Rodrigo Duterte na ipagpatuloy ang naantalang usapang pangkapayapaan sa CPP- NPA o Communist Party of the Philippines – New People’s Army.

Ito ang ipinabatid ni Special Assistant To The President Christopher “Bong” Go matapos palayain ng NPA ang isang police official na halos pitong buwan nilang bihag.

Ayon kay Go, agad niyang ipinarating kay Pangulong Duterte ang positibong development partikular ang panawagan ng NPA na ituloy ang peace talks.

Naging malugod naman aniya ang pagtanggap dito ni Pangulong Duterte lalo’t wala naman aniyang may gusto ng giyera sa kapwa pilipino.

Nilinaw naman ni go na hindi siya miyembro ng peace panel at hindi siya otorisado para magsalita para sa gobyerno kaya ipinarating na niya ang magandang development kay Presidential Adviser on the Peace Process Jesus Dureza para sa kaukulang hakbang.