31.2 C
Manila
Friday, March 29, 2024

Pangulong Duterte Binisita Ang Lalawigan Ng CamSur

- Advertisement -

Matapos na bisitahin ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang lalawigan ng Isabela at Cagayan na hanggang sa ngayon lubog pa sa tubig baha, binisita nito ang lalawigan ng Camarines Sur na ilang bayan pa ang lubog pa rin sa baha dala ng sunod sunod na bagyo na nagtama sa kaBikolan.

Sa kanyang pagharap sa mga local na opisyal, kanyang sinabi na kahit na labis na sinalanta ang bansa ng mga nagdaang kalamidad, on top of the situation pa rin ang pamahalaan sa pagbibigay ng tulong sa mga naging biktima.

Ang Camarines Sur ay kilala bilang catch basin ng Bicol kung saan ang tubig galing ng Albay at Camarines Norte ay dito tumutuloy, kung kaya ito ang nais mabigyan ng solusyon ng mga local na opisyal sa pangunguna ni Gov. Migz Villafuerte at Cong. L-ray Villafuerte.

Sa harap ng pangulo, sinabi nila na nais nilang magkaroon ng dredging upang lumalim ang Bicol river at ang pagbuhay sa Bicol river Basin Development Program O BRBDP.

Ayon sa kanila, kung hindi mapapalalim ang Bicol river palaging makakarananas ng pagbaha ang buong lalawigan lalo na ang Rinconada area at ibang bayan sa second district.

Ipinangako naman ng pangulo ang agarang pagtugon sa mga hinaing na ito, subalit ayon sa kanya ang kanilang inuuna ay ang pagbibigay ayuda sa mga nasalanta gaya ng tulong mula sa DSWD at iba pang ahensya ng pamahalaan. (OIC Melvin Barayoga, RPN DZKI Iriga)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -