Pangulong Duterte balik na sa kanyang normal na trabaho sa Biyernes

0
17

Balik na sa kanyang normal na trabaho sa Biyernes si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Senador Bong Go, hanggang  bukas na lamang mag wo work from home sa Davao ang pangulo.

Sinabi ni Go na comfort zone ng pangulo ang kanyang tahanan sa Davao kaya’t pinili niyang magtrabaho at magpahinga doon.

Muling tiniyak ni Go na nasa mabuting kalagayan ang pangulo at patuloy nitong ginagampanan ang kanyang tungkulin.

Unang inihayag ng Malakanyang na pinayuhan ng kanyang doktor ang pangulo na mag leave at magpahinga ng tatlong araw.

Gayunman, binawi rin ito agad at nagpasyang mag work from home na lamang sa Davao ang pangulo. — ulat mula kay Cely Ortega- Bueno (Patrol 19)