Wednesday, May 8, 2024

Pangulong Duterte balik Maynila na ngayong gabi —Spox

- Advertisement -

Babalik na mamayang gabi sa Maynila si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ipinabatid ito ni Presidential spokesman Harry Roque bagama’t hindi aniya tiyak kung matutuloy ang public address ng pangulo na ginagawa nito tuwing lunes ng gabi o maaaring i-record na lamang at i-e-ere sa Martes ng umaga.

Magugunitang ang pangulo ay umuwi ng Davao City nuong Sabado, Mayo 16, matapos ang dalawang buwang pagkaka lockdown sa Malakaniyang.

Una nang inihayag ni Roque na umuwi ng Davao City ang pangulo para tingnan ang sitwasyon sa Mindanao kaugnay sa kampanya ng gobyerno kontra coronavirus disease 2019 (COVID-19).

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img