Pangulong Duterte ba-biyahe patungong China ngayong buwan para makipagkita kay Pres. Xi

0
43

Bibiyahe patungong China si Pangulong Rodrigo Duterte para makipagkita kay President Xi Jinping ngayong buwan.

Ito ang kinumpirma ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo, bagama’t hindi nito idinetalye ang eksaktong araw ng biyahe ng pangulo at pulong kay Xi.

Samantala, sinabi naman ni Senador Bong Go na kasalukuyan pang isinasaayos ang planong pagtungo at pulong ni Pangulong Duterte sa China na posibleng gawin sa huling linggo ng Agosto.

Dagdag ng senador, plano rin ng pangulo na manood ng FIBA World Cup na gaganapin sa Foshan, China kung saan makakalaban ng Gilas Pilipinas ang koponan ng Italy sa Agosto 31, Serbia sa Setyembre 2 at Angola sa Setyembre 4.

Kung sakali, ito na ang ika limang beses na pagbisita ni Pangulong Duterte sa China magmula nang mahalal ito noong 2016.