Tuesday, April 30, 2024

Panghihimasok ng EU sa isyu ng soberanya ng bansa tinutulan ng Palasyo

- Advertisement -

Hindi dapat nanghihimasok ang  European Union (EU) sa mga isyu kaugnay sa soberanya sa bansa.

Ito ang iginiit ng Malakanyang kasunod ng banta ng EU na pagpapataw ng trade sanctions sa Pilipinas dahil umano sa ilang kaso ng paglabag ng bansa sa human rights at pag-atake sa press freedom.

Gayunman, nilinaw naman ni Presidential Spokesperson Harry Roque, na hindi lahat ng miyembro ng EU ang nagbanta ng trade sanctions sa bansa kundi iilang miyembro lamang ng parliament ang nagpasa ng resolusyon na tanggalin ang exemption sa tariff sa mga produktong galing sa Pilipinas.

Aniya, ang European Parliament ay isa lamang institusyon ng EU at tanging ang European commission lamang ang may kapangyarihan na mag- withdraw ng Generalized Scheme of Preferences (GSP).

Matatandaang umaapela ang ilang mambabatas ng EU sa pamahalaan ng Pilipinas na palayain si Senador Leila De Lima at i-dismiss ang mga kaso ni Rappler CEO Maria Ressa.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img