Wednesday, May 1, 2024

Pang. Duterte: Walang mangyayaring areglo sa pagitan ng pamahalaan at ng 2 water concessionaires

- Advertisement -

Nanindigan si Pangulong Rodrigo Duterte na walang mangyayaring areglo sa pagitan ng pamahalaan, Maynilad at ng Manila Water.

Ito ang inihayag ng pangulo sa kaniyang talumpati sa oath taking ng newly appointed high ranking officers ng AFP at PNP sa Malakaniyang.

Ayon sa pangulo hindi siya magpapa areglo sa dalawang water concessionares hanggat hindi niya nakakausap ang mga tao na nasa likod ng kontrobersyal na 1997 water concession agreements.

Iginiit pa ni Pangulong Duterte na isang malinaw na economic plunder ang ginagawa ng mga ito kaya’t malabo siyang makipag kompromiso.

Magugunitang una nang sinabi ng pangulo na kaniyang isusulong na makasuhan ng economic sabotage ang dalawang water concessionaires dahil umano sa hindi patas na kontrata ng mga ito sa gobyerno.

‘’Areguluhin natin? How will I compromise? That’s plunder! That is a classic economic plunder kaya gusto ko silang makausap. Hindi ito ma-a-areglo hanggang di ko nakakausap yung mga water concessionaires.’’ Ani Pangulong Duterte.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img