Friday, May 3, 2024

Panelo todo tangging nasa likod ng napipintong paglaya ni ex-Calauan mayor Sanchez

- Advertisement -

Todo tanggi ngayon si Presidential Spokesman Salvador Panelo na sya ang nasa Likod ng napipintong paglaya ng bilanggo na si dating Calauan Mayor Antonio Sanchez na nahatulan ng pitong (7) bilang ng reclusion perpetua.

Depensa ni Panelo, 27 taon na umano ang nakalilipas nang magbitiw umano sya bilang abugado ni Sanchez dahil kinailangan umano nyang magtungo sa ibang bansa.

20 taon na rin daw ang nakaraan nang huli silang nagkausap ni Sanchez.

Inihayag pa ni Panelo, dahil sa batas na pinagtibay noon pang 2013 at sa desisyon ng Korte Suprema na retroactive in nature, makikinabang ang mga convicted criminals na nabilanggo noon pang 1993 na napagsilbihan na ang maximum year ng kanilang sentensiya sa ilalim ng Good Conduct Time Allowance Law.

Una nang sinabi ni Bureau of Corrections Director General Nicanor Faeldon na maari nang makalaya sa susunod na dalawang buwan si Sanchez na nasentisyahan noong 1995 ng 7 counts ng reclusion perpetua o 40 taong pagkakakulong dahil sa pagpatay noong 1993 sa dalawang UP-Los Baños students na sina Eileen Sarmenta at Allan Gomez kung saan napag-alaman pang ginahasa si Sarmenta.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img