Panelo nilinaw ang kanyang naging pahayag kaugnay sa “walang namamatay sa gutom”

0
24

Nilinaw ni Presidential spokesperson Salvador Panelo ang kanyang naging pahayag kaugnay sa “walang namamatay sa gutom”.

Ayon kay Panelo, ang ibig sabihin lamang ng kanyang sinabi ay nakahanda ang gobyerno na tulungan kung sinoman ang kakapusin ng suplay ng pagkain gayung maraming estabilisimyento ang pansamantalang isasara dahil sa banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Iginiit ni panelo na sinagot lamang nya ang tanong ng nag-iinterbyu sakanya hinggil sa pagpapatigil sa pagpasok sa mga trabaho na pangunahing pinagkukunan ng araw-araw na pangkain.

Aniya, walang namamatay sa gutom ng 30 araw dahil may nakalaan na food packets ang gobyerno sakaling wala nang makain ang mga tao.

Bukod sa tulong ng gobyerno, nakatanggap na naman aniya ng suweldo ang mga manggagawa na sapat para sa susunod na dalawang linggo.

Sa huli sinabi pa ni panelo na huwag mag alala sa mga ganitong bagay dahil mas importante ang buhay ng bawat isa.