Panelo hindi magbibitiw sa pwesto

0
55

Hindi umano magbibitiw sa kaniyang pwesto si Presidential Spokesman Salvador Panelo.

Ito ang kaniya mismong iginiit matapos hamunin ni dating judge Harriett Demetriou na magresign na kasunod ng mga alegasyong may kinalaman ang kalihim sa paglaya sana ni convicted rapist at murderer na si dating Calauan, Laguna mayor Antonio Sanchez.

Ayon kay Panelo, hindi siya maaaring makialam sa pagpapalaya sa mga kwalipikadong bilanggo dahil nasa kamay ito ng Department of Justice.

Ani Panelo, kaniyang ikinalulungkot ang pagpapalabas ng opinyon ni Demetriou batay lamang sa mga espekulasyon.

Una rito, inakusahan ni Demetriou si Panelo na may alam sa napipintong paglaya ng kaniyang dating kliyente.