Friday, May 3, 2024

Pagbasura sa hiling na piyansa ng 10 akusado sa hazing victim na si Castillo tagumpay

- Advertisement -

Maituturing na tagumpay ang pagbasura ng Manila Regional Trial Court sa hinihinging piyansa ng 10 akusado sa  pagkamatay ng hazing victim na si Horacio “Atio” Castillo III.

Ito ang naging reaksiyon ng ina ni Atio na si Carmina Castillo matapos na hindi pagbigyan ni Manila RTC branch 20 Judge Marivic Balisi-Umali ang kahilingan ng 10 akusado na pawang miyembro ng Aegis juris fraternity.

Sinabi ng ina ni Castillo na walang saysay ang lahat ng ito kung hindi naman tuluyang mapapanagot sa batas ang lahat ng may kinalaman sa pagkamatay ng kaniyang anak.

Gayunman, iginiit naman nito na kahit tagumpay man kung maituturing ang hindi pagpayag ng korte sa kahilingang makapag piyansa ng mga akusado—ay wala namang saysay ang lahat ng ito kung hindi tuluyang mapapanagot sa batas ang lahat ng may kinalaman sa pagkamatay ni Atio.

Sa ngayon, kumpiyansa naman ang pamilya Castillo na papanigan sila ng korte sa pagpataw ng parusa sa mga akusado sa krimen.

Matatandaang, Setyembre ng taong 2017 nang masawi si Atio dahil sa tindi ng tinamong bugbog nito sa initiation rites ng nasabing fraternity.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img