Pamumuno sa AFP pormal nang nailipat

0
7

Pormal nang nanungkulan bilang ika-54 na chief of staff ng Armed Forces of the Philippines (AFP) si Lt. General Gilbert Gapay.

Kasunod na rin ito nang pagsasalin ni dating AFP chief General Felimon Santos Jr. ng kapangyarihan kay Gapay sa idinaos na Change of Command sa AFP commissioned officers club sa Kampo Aguinaldo.

Nahati sa tatlong bahagi ang change of command kung saan ang arrival honors ay ginawa sa harap ng Lapu-Lapu Grandstand habang ginawa sa Tejeros Hall ang ikalawa at ikatlong bahagi ng programa kasama na ang retirement honors para kay Santos.

Ang nasabing okasyon ay pinangunahan ni Defense Secretary Delfin Lorenzana bilang kinatawan ng Pangulong Rodrigo Duterte. —ulat ni Jaymark Dagala (Patrol 9)